Nagkukumpulang barko ng China, muling namataan sa Ayungin Shoal

Namataan ang 50 Chinese vessels ang malapit sa Ayungin Shoal bago ang rotation and resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre.

Ayon sa dating United States Air Force official at ex-Defense Attaché na si Ray Powell, mas dumami ang namataan sa Panganiban Reef kaysa noong nakaraang linggo.

Posibleng pinananatili ng China ang presensya nito doon hanggang sa susunod na resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, na kilala rin bilang Second Thomas Shoal.

Samantala, sinabi ni Powell noong nakaraang linggo na 27 Qiong Sansha Yu-class na mga barko ang naka-deploy sa timog ng Spratly Islands at silangan sa Scarborough Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *