Nagpakilalang kamag-anak ni Abalos, napag-alamang nag-o-operate ng kolorum na van

Mahaharap sa patong patong na kaso ang isang di umano’y kamag anak ni DILG Secretary Benhur Abalos na nag ooperate ng kolorum na van matapos arestuhin ng MMDA.

Nag ugat ang operasyon matapos mahuli ng MMDA ang isang van sa cubao na ilegal na nagsasakay ng pasahero patungong Laguna.

Bukod sa pekeng lisensya ang ibinigay ng driver ay sinabi rin nito na konektado kay Secretary Abalos ang operator ng van.

Ayon kay MMDA Asst. General Manager for Operations David Angelo Vargas, matapos mahuli ang driver ay nagtungo ang babaeng operator sa kanilang tanggapan sa Pasig City para makipag areglo at arburin ang naimpound na sasakyan.

Agad na nakipag ugnayan ang MMDA kay Secretary Abalos at ipinag utos ng kalihim na hulihin kahit pa kamag anak ito dahil sa maling gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *