Nagtangkang manghalay, arestado

SORSOGON CITY – Arestado ang 49-anyos na mangingisda matapos na hainan ito ng kanyang warrant of arrest kaninang alas 3:00 ng hapon sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Inaresto ng Matnog Police, sa pangunguna ng kanilang DCOP na si PLt Jose Destacamento kasama ang ilang enforcement units ng Mobile Force Company at Phil. Army, si Luidigario Cola Garbida, may asawa at naninirahan sa Brgy Sua ng nasabing bayan.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng arrest order na ibinaba ng RTC Br 55 sa kasong Attempted Rape na may itnakdang piyansa na P120, 000.00.

Si Garbida ay itinuturing na No. 8 most wanted person ng Matnog Police.

Nabatid na ang mabibiktima sana nito ay kanya man lang na ka-barangay.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *