Local News

Nagtitinda ng tinapay, hinoldap sa bayan ng Taytay

Kinumpirma ng barangay kagawad ng Brgy. Sandoval, Taytay Palawan na may nangyaring pangho-holdap sa barangay ngayong Martes, ika- 27 ng Hulyo.

Ayon kay Kgd. Ednor Pateño, ang biktima ng hold-up ay si Joey Arzaga  na residente ng Brgy. Canique sa Taytay.

Humingi daw ito ng tulong matapos na ma-holdap ng 2 kalalakihan habang papauwi sa Brgy. Canique bandang alas- dose ng tanghali kanina.

Sakay ang biktima ng top down motorcycle galing sa Brgy. Mabini at Brgy. New Ibajay sa bayan ng El Nido at pagdating sa Sitio Cabanatsi sa Brgy. Sandoval ay dito na siya binato ng dalawang kalalakihan na may dalang itak.

Nagawa nitong makailag pero napahinto siya matapos tamaan ng bato ang minamaneho, dito na sapilitang kinuha sa kanya ang bag na naglalaman ng pera na aabot sa limang libong piso.

Matapos makuha sa kanya ang bag at pera ay agad itong tumakbo para humingi ng tulong sa opisyal ng barangay.

Sinabi ni kagawad Ednor na posibleng pera lamang ang habol ng mga suspek dahil hindi na nito hinabol ang biktima matapos makuha ang pera. Idinagdag ng opisyal na hindi ito ang unang pagkakataon na may naitang insidente ng pangho-holdap sa kanilang barangay.

BNFM Palawan

Recent Posts

Lalaki, sugatan matapos saksakin sa Tayabas City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kainuman sa Barangay Mayuwi, Tayabas City nitong…

2 mins ago

SILG Abalos, nanguna sa mga top performing Cabinete secretaries ng pamahalaan – survey

Nanguna si Interior Secretary Benhur Abalos sa top performing Cabinete secretaries ni Pangulong Bongbong Marcos…

3 mins ago

Menor de edad, wala ng buhay nang matagpuan sa Mauban, Quezon

Palutang-lutang at wala ng buhay nang matagpuan ang isang menor de edad sa Maapon River,…

8 mins ago

727 athletes at coaches ng Naga City nasa Legaspi City na para sa Palarong Bicol 2024

NAGA CITY – Nasa Legaspi City na ngayon ang buong team ng mga manlalaro ng…

15 mins ago

Mga bakawan sa Calabanga, Camarines Sur, kulang na kulang pa; kakaunting supply ng isda at ipa pang lamang dagat, problema pa rin

CAMARINES SUR - Kulang na kulang pa ang bakawan sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur,…

24 mins ago

Estudyante patay matapos barilin sa loob ng bahay habang sumasagot ng modules sa Cebu

Patay matapos malapitang pagbabarilin ang 14-anyos na babae sa loob mismo ng kanyang bahay habang…

29 mins ago