Local News

Nagwala umanong customer, binaril ng sekyu sa isang drug store sa Lipa City, Batangas

Sugatan ang isang customer matapos na barilin ng security guard dahil umano sa pagwawala at pinagtatapon ang mga paninda sa loob ng Mercury Drug Store sa J. P. Laurel Highway, Brgy. Sabang, Lipa City.

Kinilala ang biktima na si Lissa Marrie Cabanhon y Datuin, 32 anyos, isang technician at residente ng Brgy. San Carlos, Lipa City.

Ang sekyu namang naaresto ay kinilalang si Enesto Precilla y Andaya, 50 anyos at residente ng Purok 5, Brgy. Talisay, Lipa City.

Sa panayam kay Lt.Col. Ariel Azurin, hepe ng Lipa City Police Station, pumasok umano sa naturang drug store ang biktima at kumuha ng mga items na kanyang pinasok sa bulsa noong Sabado ng umaga, Pebrero 11, 2023.

Sinita ito ng sekyu dahilan para magalit ang biktima saka pinagtatapon ang mga paninda sa loob.

Mas naging agresibo pa ang biktima at naglabas ito ng cutter na kanyang dala at tinangkang sugatan ang sekyu gamit ang patalim.

Dahil dito ay binunot ng sekyu ang kanyang armas at binaril sa tiyan ang biktima.

Agad na isinugod sa Medix Medical Center ang biktima ng mga rumespondeng pulis habang inaresto naman ang sekyu.

Kinumpiska sa kanya ang kalibre 38 na armas at cutter ng biktima.

Ayon kay Azurin, inaaresto ang sekyu dahil naging sobra umano ang kanyang ginawa at nagawang barilin ang biktima.

BNFM Batangas

Recent Posts

NIA target makapagbenta ng P29 kada-kilo ng bigas sa Agosto

Sa paglalayong makapagbigay ng abot-kayang bigas sa publiko, plano ng National Irrigation Authority o NIA…

17 seconds ago

Olongapo City, nakamit ang 2nd overall ranking sa kakatapos na CLRAA 2024

Nakamit ng mga atleta mula sa Olongapo City ang 2nd Overall ranking sa kakatapos lang…

5 mins ago

Inflation rate – bumilis sa 3.8%; ikatlong sunod na buwan

Muling bumilis ang inflation rate, 'o ang antas ng pagtaas sa presyo ng bilihin. Ayon…

6 mins ago

Negosyante sa Tuguegarao, Kalaboso sa pagbebenta ng iligal na droga

Kulong ang inabot ng isang negosyante sa Lungsod ng Tuguegarao matapos ang ikinasang operasyon ng…

8 mins ago

Tagong armas ng mga NPA nadiskubre sa bundok ng Army

Nasa apat ng high powered firearms at mga spare parts na pinaniniwalaang itnago ng rebeldeng…

9 mins ago

Rank 3 Nat’l topnotcher sa April 2024 Licensure exam for midwives, tubong Cordon, Isabela

Tubong Cordon, Isabela ang naiulat na Rank 3 National Topnocher sa katatapos lamang na April…

10 mins ago