NAIA Terminals 2 and 3 – ‘surot-free’ na ayon sa MIAA

Kinumpirma ng pamunuan ng Manila International Airporty Authority (MIAA) na wala nang surot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay makaraang mag-viral ang ilang videos kung saan ay makikita ang mga surot sa mga upuan sa paliparan.

Sa isang panayam – sinabi ni MIAA head executive assistant Chris Noel Bendijo na matapos ang ginawa nilang disinfection – ‘surot-free’ na ang NAIA Terminals 2 at 3.

Ininspeksyon na rin umano ang mga upuan at dumaan sa masusing sanitation.

Sa huli – muli silang humingi ng paumainhin sa mga naaberyang pasahero.

Una nang na-pull out ang mga rattan chairs sa naturang mga terminals.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *