Naitatalang cyber crimes sa bansa , alarming na – PNP

Itinuturing nang alarming ng Philippine National Police ang naitatalang cyber crimes sa bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, hindi kasi naze-zero o hindi nawawalan ng ganitong reklamo ang pulisya kada araw.

Base sa datos mula January 1 hanggang Feb 1 ngayong taon, mayroon na silang naitalang halos 600 na kaso ng swindling o estafa na nangungunang cybercrime sa Pilipinas.

Sa illegal access o ang paggamit ng mga na-clone at nanakaw na ATM ay nasa 305 ang naitalang insidente at ang computer-related identity theft ay nasa 109.

Samantalang ang top 3 modus operandi ng mga suspek ayon sa PNP ay ang online scam, investment scam at debit and credit card fraud.

Ayon kay Col. Fajardo, walang pinipili ang mga online scammers dahil hindi lamang mga ordinaryong mamamayan ang kanilang binibiktima kundi pati mga mayayaman, negosyante at mga kilalang personalidad.

Kaya giit ng PNP PIO Chief, kailangan talaga ng whole of nation approach upang masawata ang talamak na online criminal activities sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *