Nakawan , nangunang krimen sa San Jose, Camarines Sur

CAMARINES SUR – Paiigtingin pa ng San Jose Municipal Police Station ang pag-monitor, pagpapatrol at pagbibigay kaalaman sa mga residente upang maiwasan ang iba pang uri ng krimen, matapos na makapagtala ang mga awtoridad ng 166 na bilang ng krimen sa nasabing bayan sa taong 2023, mataas kumpara sa 71 na nairehistro sa taong 2022. Nangunguna rito ang insidente ng theft, physical injury at robbery.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Chief of Police Ryan Anthony Ocampo, sinabi nitong tutukan nila ngayong taon ang pagpapababa ng krimen at ang kapakanan ng mga mamayan.

“Magpapatupad po kami ng constant monitoring sa area, sasabayan namin ng patrolling para mapag-aralan namin ang sitwasyon ng nakawan, [at] ng area, para makita namin kung paano kami magka-conduct ng intervention,” ani Ocampo.

Pinaalalahanan rin ng opisyal ang publiko, partikular na ang mga residente ng San Jose na maging maingat, bantayan ang mga gamit, at kung kinakailangan ay huwag iwanan ang mga restaurant, at bahay nang walang bantay.

“Malaking tulong na aware [ang mga tao], yong sila na rin mismo ang maging vigilant at huwag na huwag silang magbibigay ng opportunity para manakawan sila. At kung meron mang insidente, magreport agad sila sa amin, para maimbistigahan namin at magawan ng intervention,” dagdag pa ng opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *