Naked Festival sa Japan, naging makasaysayan dahil sa pagsali ng mga kababaihan

Bilang tradisyon, isinagawa ng mga Japanese/Hapon sa kanilang bansa ang taunang Naked Festival.

Ngunit naging makasaysayan ang naging selebrasyon para sa taon na ito dahil makalipas ang mahigit 1,000 taon, lumahok sa unang pagkakataon ang mga kababaihan.

Ngunit kahit Naked Festival ito, nagsuot ang mga babaeng sumali ng tradisyunal na damit na “Happi Coats” habang naglalakad sa kalye.

Sinabuyan sila ng tubig bilang bahagi ng tradisyon.

Nag-ala sumo wrestler naman ang mga kalalakihan at nagbubunuan bilang simbolo ng pagtataboy sa masasamang espiritu.

Ang pagsali ng mga kababaihan sa nasabing pista ay nagpapakita ng pagbabago ng pananaw sa gender equality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *