Nalalabing LEDAC priority bills, tatapusin na ng Kamara

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na halos natapos na ng Kamara ang lahat ng priority bills ng administrasyong Marcos pati na ang Legislative-Executive Development Advisory Council.

Ayon kay Romualdez, naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang lahat ng LEDAC measures maliban sa tatlo.

Isa sa mga natitirang panukala ay nakatakda na aniyang isalang sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

Kasama rin sa ipapasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 9713 o Act Institutionalizing a Philippine self-reliant defense posture program kung saan pinalalakas ang national defense industry.

Ipinaliwanag ni Romualdez na kailangan ng bansa ang matatag na programang pangdepensa at industriya upang magkaroon ng sariling pagawaan ng mga armas at hindi na kailangang umasa pa sa iba.

Ibinida naman ng House leader na naisakatuparan nila ang misyon sa agenda ni Pangulong Marcos na nakatutok sa paglago ng ekonomiya, pagtulong sa mahihirap at paglikha ng trabaho at oportunidad.

Ang tatlong LEDAC bills ay ang amiyenda sa Electric Power Industry Reform Act, National Defense Act at Budget Modernization Bill.

Isa pang panukala na prayoridad ng Kamara na nakatakdang aprubahan ay ang House Bill 9571 na nagbabawal sa development, produksyon, stockpiling at paggamit ng chemical weapons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *