Nananampal na mga waitress sa isang bar sa Japan, in demand at pinipilahan

Kalimitan sa mga establisyemento na ating pinupuntahan gaya ng mga kainan o bar ay talagang maayos at mainit ang pagtanggap.

Ngunit, kakaiba ang pagtanggap ng isang bar sa Japan sa kanilang mga customer dahil sa kapareho ng lutong ng kanilang menu na manok, ganito rin kalutong na sampal ang sasalubong sa iyo.

Tila ito rin umano ang nagpasikat at bumuhay sa kanilang matumal na bar na siya nang dinadayo ng mga foreigner para lamang magpasampal sa mga waitress.

Noong una ay isa lang talaga umano ang nananampal sa kanilang mga waitress ngunit dahil sa naging in demand ito, nag-hire na sila ng ilan pa.

Dumating rin sa punto na mayroong customer na nagbayad ng 500 yen para pumili kung sino umano ang sasampal sa kaniya.

Subalit kalauna’y pinag-usap-usapan ito at nag-viral ito sa social media at binatikos nga ng mga netizen.

Sa ngayon, napagdesisyonan ng naturang bar na tanggalin na ang nasabing serbisyo at sa mga dadayo umano rito ay huwag na umasa na mayroon pang mananampal sa kanila.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *