Napaulat na death toll mula sa Bagyong Odette, nasa 389 na

Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na mula 378 ay umakyat sa 389 ang mga napaulat na fatalities sa Bayong Odette.

Ayon sa NDRRMC, mayroon pang 64 na katao ang nawawala, habang nasa 1,146 naman ang sugatan.

Mula sa mga nasabing bilang ay na-validate na ng NDRRMC ang 52 patay, 15 missing, at 73 na sugatan.

Tinatayang nasa mahigit 1-milyong pamilya o mahigit 4.2-milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa MIMAROPA, CARAGA, sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at sa Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, at 12.

Inihayag rin ng ahensya na pumalo sa 506,404 na bahay ang napinsala kabilang na ang 339,327 na partially damaged at 167,077 na totally damaged.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *