Nararanasang init, titindi pa sa Metro Manila – PAGASA

Inaasahang titindi pa ang nararanasang init sa susunod na linggo – ayon sa PAGASA.

Sa abiso ng weather bureau, mas nararamdaman ang init ng panahon sa urban areas tulad na lamang ng Metro Manila.

Paliwanag ni Climatology and Agrometeorology Division Officer-in-Charge Ana Solis, nakadagdag din sa alinsangan ang epekto ng El Niño.

Sinabi ng PAGASA na tataas ang temperatura dito sa National Capital Region (NCR) mula 37 degrees celsius sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *