Nasa 1K kandidato sa BSKE, nahainan na ng show cause order

Umabot na sa halos 1 libo ang nabigyan ng show cause order ng Commission on Election (Comelec) dahil sa paglabag sa premature campaigning o maagang pangangampanya.

Sa panayam ng Brigada News Fm kay George Garcia, ang Chairman ng Comelec, sinabi nito na inaasahan pa nilang dadami ang ganitong kaso sa mga susunod na araw at hindi naman nila titigilan ang mga lumalabag sa Omnibus Election Code.

Ayon kay Garcia, nagkusa naman alisin ng mga naunang hinainan ng show cause order ang kanilang mga campaign materials ngunit desidido ang komisyon na maghahain ng kaso laban sa mga kandidatong lumabag.

Kung maalala, umabot na sa P11-B ang pondo para sa 2023 Barangay at Sangguniang Elections matapos na madagdagan ng P2.589 billion ang original na budget na P8.441 bilyon na inilaan sa kanila sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *