Nasa 20,000 kahoy, inaasahang maitatanim ngayong 2024 sa Naga City

NAGA CITY- Tinatayang nasa 20,000 na mg kahoy ang maitatanim ngayong taon ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa ilalim ng Forest In Our Midst Project.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Engr. Dan Cea, Project Coordinator ng Forest In Our Midst kung saan plano nilang paramihin pa ang mga kahoy sa mga lugar na napagtaniman na nila tulad ng Brgy. San Felipe. Isa rin sa mga target nilang pagtaniman ay ang mga lugar na naapektuhan ng road widening katulad ng sa Del Rosario- San Isidro Access Road kung saan maraming puno ang pinutol.

Paliwanag ni Cea, kailangan nilang palitan ang mga pinutol na kahoy nang sa gayon ay mapanatili pa rin ang pagkakaroon ng maaliwalas na kapaligiran sa lungsod sa kabila ng kaliwa’t kanang road widening. Ang mga pinutol naman na kahoy, dinadala nila sa nursery at ginagawang upuan para sa mga bagong bukas na paaralan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *