Virac, Catanduanes- Nasa 344 na mga Catandunganon na nangangarap makapasok sa serbisyo at maging kawani ng Philippine National Police ang sumailaim sa PNP Entrance Examination nitong araw ng Sabado.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa Catanduanes National High School sa bayan ng Virac na pinangunahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) Regional Office V.
Nabigyan ng katuparan ang pagsasagawa ng PNP Entrance Exam sa islang lalawigan ngayong taon, sa pamamagitan ng naipasang Resolution No. 164-2021 ni Provincial Board Member East District Lorenzo Templonuevo Jr.
Malaking bagay ito para sa mga nais na mag pulis sa Catanduanes dahil hindi na nila kinailangan pang gumastos ng malaki at bumiyahe ng malayo, kung dadayo pa ang mga ito sa lungsod ng Legazpi sa Albay para lamang makapag exam.
Samantala, bago ang pagsusulit sumailalim muna ang lahat ng examinees sa Antigen Test habang mahigpit namang ipinasunod ang minimum health protocols sa venue upang maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19.
Nitong nakaraang 2020 pa sana isasagawa ang nasabing aktibidad sa lalawigan ngunit makailang ulit itong nakansela dahil sa pandemya.###
Sikop sa mga sakop sa Los Amigos Police Station ang usa ka butane vendor atol…
NAGA CITY- Itinanggi ni Naga City Mayor Son Legacion ang umano’y pagtanggap niya ng payola…
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…