CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 858 ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa Health Standard Protocols sa lalawigan ng Camarines Norte
Ayon kay PLCOL Rogielyn Calandria, Incident Commander for Law and Order ng CN-IMT, ang naturang bilang ay naitala nito lamang nakalipas na linggo mula sa mga bayan ng Capalonga, Daet, Jose Panganiban, Mercedes at Vinzons
Sa naturang bilang, 177 ang binigyan ng penalidad samantalang 681 ang binigyan ng babala
Una ng nakiusap sa kapulisan ang IMT sa pamamagitan ni Unified Incident Commander Atty Don Culvera na mas paigtingin pa ang paghihigpit partikular na ang sa curfew , pagsususot ng face mask , face shield at social distancing dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.