Nasa maayos nang kalagayan ang dalawampu’t-isang pasahero ng bumaliktad na pampublikong jeep kahapon sa Sta Ana, Cagayan.

Ayon sa Sta. Ana Police Station, ang mga pasahero ay miyembro ng isang religious sector sa Tuao at patungo sa isang beach resort nang mangyari ang insidente sakay ang jeep na kanilang nirentahan.

Isinalaysay ng drayber ng jeep na kinilalang si Victor Agcaoili na nawalan ng preno ang jeep nang makarating ito sa pababang parte ng daan dahilan upang mawalan ito ng kontro sa manibela.

Dahil dito, upang hindi mahulog sa bangin ay nagdesisyon itong ibangga na lamang sa gilid ng kalsada ang jeep na nagsanhi ng pagbaliktad nito.

Tinitignan naman ng kapulisan kung overloading ang jeep dahil aabot sa 39 ang pasahero nang mangyari ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *