Nasa P120 K halaga ng shabu nakuha sa bahay ng isang mangingisda sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Aabot sa mahigit kumulang labing limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P120, 000.00 ang nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police sa isinagawang anti- illegal drugs operation sa Purok 1, Barangay 2, Mercedes Camarines Norte Martes ng hatinggabi.

Ayon sa Camarines Norte Police Provincial Office, target ng operasyon ang isang nagngangalang Siegfred Senes y Gorobat 40, may asawa, mangingisda at residente sa nabanggit na lugar.

Bitbit ang search warrant na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 40, tinungo ng mga awtoridad ang bahay ng suspek pero hindi ito nadatnan ng operating team.

Gayunman boluntaryo itong isinuko ng kaniyang maybahay sa  mga tauhan ng PDEA sa Mercedes MPS kung saan ito ngayon nakakulong.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *