Nasa P30-M halaga ng smuggled luxury cars, naharang ng BOC sa Miamis Oriental

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang cargo na naglalaman ng mga smuggled luxury vehicles sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Sa ulat ng BOC, dineklarang truck replacement parts ang dalawang units ng Porsche na nagkakahalaga ng P30-milyon pesos.

Dahil sa pagkakadiskubre ng mga smuggled na sasakyan, maglalabas ng warrant of seizure and detention ang BOC sa shipment dahil sa paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon sa BOC, mas pinaigting nila ang anti-smuggling operations upang labanan at sugpuin ang smuggling activities sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *