Nasawi dahil sa COVID-19 sa Brazil umakyat na sa 500K

Lumampas na sa 500,000 mark ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Brazil na ikalawa sa ranking sa buong mundo.

Ayon sa report, patuloy ang pagkalat ng virus kasabay ng patuloy na pagtangging suportahan ni President Jair Bolsonaro ng ilang mga measures gaya ng social distancing.

Tinawag din ng health institute na Fiocruz ang sitwasyon sa Brazil bilang “kritikal” kung saan 11% lang ng mga adults ang fully vaccinated.

Samantala, libu-libong Brazilians ang sumama sa anti-government protest noong Sabado bilang pagkondena kay Bolsonaro dahil sa kabiguan nitong magpatupad ng coordinated national response, kawalan nito ng tiwala sa bakuna, hindi pagpapatupad ng mga lockdowns at maging ang kabiguang ipatupad ang pagsusuot ng face mask.

Base sa report, nasa average na 70,000 case at 2,000 death araw araw ang naitatala sa Brazil sa nakalipas na linggo.

Napag-alaman din na karamihan sa mga namatay ay nasa edad 20 hanggang 59.

Nangangamba din ang mga eksperto na posibleng lumala pa ang mga kaso ng infection sa pagsisimula ng winter sa susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *