Editors Pick

National Kidney and Transplant Institute, naabot na ang full capacity

Umabot na sa full capacity ang Emergency room ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Dahil rito, hinihimok na ng NKTI ang ibang mga pasyente na pumunta na muna sa iba pang health facilities sa ngayon.

Sa isang advisory, sinabi ng NKTI na karamihan sa mga pasyenteng nasa kanilang emergency area ay ang mga sumasailalim sa dialysis, may leptospirosis, at mga indibidwal na may COVID-19.

Sinabi ng NKTI na nakararanas din ito ng kakulangan sa mga medical personnel, partikular sa mga nurse.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa NKTI management upang matugunan ang sitwasyon.

Nagtungo na rin doon kahapon si DOH na si Health Undersecretary Nestor Santiago upang masuri ang sitwasyon at matiyak na ang lahat ng mga pasyenteng pupunta doon ay maire-refer sa mga malapit na ospital para sa naaangkop na pamamahala.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

24 hours ago