Nawakan ng metros sa tubig sa Naga City, tila nagiging negosyo; mga nanakaw nasa 30 na – MNWD

NAGA CITY – Tila ata nagiging negosyo na ng mga kawatan, ang pagnanakaw saka benebenta ang mga metros sa tubig sa Naga City, dahil sa tala ng Metropolitan Naga Water District o MNWD, simula Enero hanggang ngayong buwan ng Marso, nasa trentang metros mula sa mga residente sa lungsod ang nanakawan.

Ito ang napag-alaman kay Jesus Salvador Dela Cruz, Information Officer ng MNWD.

Kung saan, ang labing isang nakuha sa Barangay Panicuason, narekober at nadakip na rin ang salarin, na ipinagbili sa isang junkshop sa isang bayan, at kabilang sa makakasuhan ang may-ari ng junkshop. Ang siyam naman na metros na ninakaw mula sa mga residente ng Villa Home Brgy. Calaug, kailangan na magblotter upang mahuli ang may sala at magpadala ng sulat sa opisina para masuplayan ng tubig.

Dagdag pa ng opisyal, maaari kasing gawing elisi ng maliliit na bangka ang bronseng parte ng naturang metros, kaya napang-iinteresan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *