Nawalang wallet, naibalik sa may-ari matapos ang 46 na taon

“It’s like a time capsule.” Ito ang emosyunal na naituran ng isang babae sa  California matapos na maisauli sa kanya ang nawalang wallet sa isang theater doon 46 na taon na ang nakakaraan.

Hindi akalain ni Colleen Distin na makikita niya pa ang nasabing wallet dahil noong nawala raw ito noong 1975 sa isang movie theater ay tumawag siya agad doon para hanapin sana ito pero nabigo siya.

Isang empleyado ngayon ng historic theater na nakilalang si Tom Stevens ang nakakuha sa wallet.

Ayon sa kanya, nasa crawlspace sa ilalim ng balkonahe ng Majestic Ventura Theater sa Ventura nang matagpuan niya ang wallet kasama ng mga ticket stubs, empty drink containers at candy wrappers.

Laman ng wallet ang mga lumang larawan, ticket stub para sa 1973 Grateful Dead concert at driver’s license na nag-expired noong 1976.

Dahil dito ay hinanap niya umano online si Colleen Distin na siyang nakapangalan sa driver’s license pero bigo siyang mahanap ito.

Ayon sa kanyang boss na si Loanne Wullaert mas mainam na gamitin nila ang Facebook page ng theater para mahanap ang may-ari ng wallet at dito na nila natunton si Distin matapos magviral ang post.

Ayon sa kanya, wala na ang cash pero masaya siyang makita ang mga lumang larawan sa pitaka na anya hindi niya inaasahang makikita niya pa.

Distin said the cash that was in her wallet when she lost it had apparently been removed by someone who tossed it into the crawlspace, but she was overjoyed to be reunited with photos she never expected to see again.

“It’s very emotional,” Distin. “It kind of caught me off guard. I was excited but then all of the sudden you start seeing things and you go back into your past. It’s like a time capsule”, ani Distin.### || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *