Nawawalang mangingisda, natagpuang patay

Natagpuang wala ng buhay ang isang mangingisda sa Lower Puting Bato Barangay Calumpang General Santos City kahapon, Oktubre 15, 2023.

Kinilala ang nasabing bangkay na si Jun Dilposo at ang tunay na pangalan ay Exequil Dilposo, 59 anyos, single at matagal ng nagtatrabaho bilang mangingisda.

Sa panayam ng Brigada Newsteam kay Guadalupe Barcelona kapatid ni Jun, na gabi pa noong October 14 nakatanggap sila ng impormasyon galling sa security guard ng SBMRC Fishing na nawawala ang kanyang kapatid.

Sinabi din umano sa isang opisyal sa nasabing Fishing company na si Regie Rellon na si Jun ang nakatoka na magbantay sa kanilang Light Boat sa at wala na itong balita sa mga sumunod na nangyari.

Samantala wala ng ibang nagawa ang pamilya ng namatay noong nalaman nila ang balita kundi ang humagulgol dahil umano hindi inaakalang mawawala ang kanilang kapamilya.
Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon sa mga otoridad sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *