Nawawalang Navy SEALS, natagpuang patay ng US Navy

Natagpuan ng walang buhay ang dalawang US Navy SEAL na nawawala sa Gulf of Aden.

Ayon sa Cental Command ng Amerika, unang naiulat na nawawala ang mga SEAL matapos sumakay sa barko sa isang operasyon noong Enero 11 malapit sa baybayin ng Somali.

Nakikiramay si CENTCOM Commander General Michael Erik Kurilla sa mga naiwang pamilya ng dalawang nasawi, pati na rin sa mga kaibigan nito, sa US Navy at sa buong Special Operations community.

Nagsagawa ng isang joint operation ang United States, Spain at Japan ang naghanap ng higit sa 21,000 square miles ng karagatan para sa mga nawawalang SEAL.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *