NBA, pinagmulta si Evan Fournier ng Detroit Pistons

Pinagmulta ng NBA ng $25,000 ang guard ng Detroit Pistons na si Evan Fournier dahil sa pagsipa ng bola sa mga manonood.

Naganap ang nasabing insidente matapos ang 104-101 home loss ng Pistons sa Miami Heat noong Linggo.

Dahil sa pagkatalo na ito, bumagsak ang Detroit sa 12-55, na naglagay sa kanila sa second-worst record sa NBA.

Nag-average si Fournier ng 7.2 puntos, 1.9 rebounds at 1.3 assist sa isang laro ngayong season para sa Knicks at Pistons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *