NBA Playoffs: Bucks 3-0 na kontra Heat

Tuluyan nang ibinabaon ng Milwaukee Bucks ang Miami Heat sa kanilang best-of-seven series sa unang round ng NBA Playoffs.

Ito ay matapos muling tambakan ng Bucks ang Heat 113-84 sa Game 3 ng kanilang serye sa Eastern Conference.

Muling bumida sina Khris Middleton na humakot ng 22 points, 8 rebounds at Giannis Antetokounmpo na nagtala ng 17 points at 17 rebounds.

Hindi naman makita sa Heat ang energy na ipinamalas nito noong nakaraang taon kung saan na-upset nila ang Milwaukee na no. 1 seed noon sa East.

Tanging sina Jimmy Butler na nagtala ng 19 points at Bam Adebayo na may 17 points ang nagpakita ng magandang laro.

Dahil dito isang panalo na lamang ang kailangan ng Bucks para tuluyang ilaglag ang Miami at makamit ang paghihiganti sa nangyari sa loob ng Orlando Bubble.

Samantala sa ibang laro, panalo naman ang Los Angeles Lakers kontra Phoenix Suns sa Game 3 ng kanilang serye 109-95.

Lamang na ang Lakers sa series, 2-1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *