NBA Playoffs: Celtics na-sweep ang Nets sa 1st round

Nagdala ng walis ang Boston Celtics sa homecourt ng Brooklyn Nets sa Game 4 ng 1st round ng NBA playoffs, 116 – 112.

Naitala ng Celtics ang ika-walong sweep sa kalaban sa kanilang franchise history.

Bagamat na-foul out sa huling dalawang minuto ng laro, si Jayson Tatum pa rin ang nanguna sa Boston matapos humakot ng 29 points.

Dinagdagan pa ito ng 22 at 20 puntos nina Jaylen Brown at Marcus Smart na malaki ang ambag para selyuhan ang panalo kontra sa all star cast na Brooklyn.

Sinubukan pa nina Kevin Durant at Kyrie Irving na isalba ang Nets subalit bigo ang mga ito dahil sa matinding depensa ng visiting team.

Nagtapos si Durant ng 39 points, habang si Irving ay mayroong 20 puntos para sa Brooklyn.

Samantala, makakaharap ng Boston ang mananalo sa serye ng Milwaukee Bucks at Chicago Bulls kung saan leading ang Bucks 3-1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *