NBA Playoffs: Wizards buhay pa, Jazz namumuro na!

Hindi pumayag ang Washington Wizards na ma-sweep sa mismong homecourt nito sa Game 4 ng Eastern Conference first round series kontra Philadelphia 76ers.

Muling bumida ang tambalan nina Russell Westbrook na nagtala ng 19 points, 21 rebounds, 14 assists at Bradley Beal na may 27 puntos at 2 blocks.

Nagtala naman ng 21 points si Tobias Harris para sa 76ers.

Dahil sa panalo naipilit ng Wizards ang Game 5 na gaganapin sa homecourt ng Philadelphia.

Samantala namumuro na ang Utah Jazz para maka-abanse sa second roung ng NBA playoffs matapos talunin ang Memphis Grizzlies 120-113 para kunin ang 3-1 lead sa serye.

Humakot ng 24 puntos mula sa bench ang pinoy pride na si Jordan Clarkson habang 30 puntos naman ang ginawa ni Donovan Mitchell.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *