NBA, sinuspinde ang ilang players ng Miami at New Orleans

Sinuspinde ng NBA sina Miami forward Jimmy Butler at New Orleans forward Naji Marshall para sa isang laro dahil sa pag-udyok at pagsali nila sa isang away sa court.

Nangyari ito sa 106-95 win ng Miami Heat sa host na Pelicans noong Biyernes.

Nasuspinde rin ng tatlong laro nang walang bayad sina Heat center na Thomas Bryant at ang Pelicans guard na si Jose Alvarado.

Wala pang isang minuto sa fourth quarter, gumawa ng hard common foul si Kevin Love ng Heat sa Zion Williamson ng Pelicans, na humantong sa sunud-sunod na sagupaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *