NBI, ipauubaya sa korte ang mga kasongvs 22 NCRPO personnel re: NBP inmates death

Ipauubaya na ng National Bureau of Investigation sa korte ang mga susunod na hakbang hinggil sa pag-kaso sa 22 mga personnel ng NCRPO.

Ito ay mayroong kinalaman sa murder charges na inihain laban sa mga pulis na ito para sa pagkamatay ng walong mga high profile inmates sa New Bilibid Prison.

Kabilang na rito sina Jaybee Sebastian, at iba pang mga convicted drug lords sa national penitentiary.

Sa ilalim ng reklamong inihain ng NBI sa Department of Justice, lumabas umano sa imbestigasyon ng tangapan na ginagamit lamang ng mga inaksuahang pulis ang COVID-19 bilang palusot sa pagkamatay ng mga inmates.

Napag-alaman ding mayroong mga inconsistencies sa mga testimonya mula sa mga records ng NCRPO at sa Bureau of Corrections.

Ayon kay NBI Dir. Eric Distor, nasa kamay na ngayon ng mga prosekyutor ang bola pagdating sa mga kaso ng mga pulis.

Naibigay na rin umano nila sa prosecution ang mga ebidensyang kanilang nakalap.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *