National

NBI, naaresto na ang suspek na nasa likod pag-hack sa credit card ni Sen. Gatchalian

Kinumpirma ni Senator Sherwin Gatchalian na naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga suspek na gumamit ng kanyang credit card na pinambili ng P1.1 million na halaga ng alak.

Ayon kay Gatchalian, nahuli ng NBI si Julius Anacin, isa sa mga suspek sa likod ng credit card fraud.

Sinabi naman ng senador na ang cybercrime at identity theft ay tumataas na bilang ng profitable “business” ng mga hackers at fraudsters.

Kaugnay nito, hinimok ng mambabatas ang mga otoridad na tiyaking ang credit card fraudsters ay mahahatulan sa full extent ng batas.

Binigyang diin rin nito na kailangang magpasa ng batas na tutugon sa naturang krimen.

Mababatid na si Gatchalian ay naghain na ng Senate Bill 2287 o ang panukalang Financial Products and Services Consumer Protection Act. // MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

Mahigit P148M, naipamahagi na ng Marawi Compensation Board sa mga naging biktima ng Marawi siege

Umabot na sa kabuuang 148, 848, 794.26 ang halaga ng compensation na naipamahagi ng Marawi…

3 mins ago

48 stall owner sa Bicol Central Station, nadagdagan ng 30% ang renta

NAGA CITY – 48 na stall owner sa Bicol Central Station Naga City, ang nadagdagan…

12 mins ago

Special financial assistance para sa pamilya ng nasawi o “incapacitated” na Coast Guard personnel, inihain sa Kamara

Isinusulong ni CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva ang panukalang batas na magkakaloob ng special…

17 mins ago

League of Filipino students, direktang tinukoy ng NICA na recruiter ng CPP sa mga colleges at universities

Direktang tinukoy ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA ang League of Filipino Students na…

27 mins ago

PCO – tiniyak ang pagtataguyod sa malayang pamamahayag ngayong World Press Freedom Day

Tiniyak ng Palasyo na kaisa sila sa pagsusulong ng malayang pamamahayag. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang…

31 mins ago

Nurse – patay matapos barilin ng tinulungang motorcycle rider

Patay ang isang nurse at construction worker matapos umanong pagbabarilin ng dapat sana’y tutulungan nila…

42 mins ago