NBI, naghain na ng reklamo vs 35 indibidwal sa oil spill sa Mindoro

Tuluyan nang nagsampa ng reklamo ang National Bureau of Investigation Environmental Crime Division sa Department of Justice kaugnay ng nangyaring oil spill mula sa lumubog na M/T Princess Empress sa Naujan , Oriental Mindoro.

Tatlompu’t lima ang tumatayong respondents sa reklamong falsification of public documents, use of falsified documents, at  perjury dahil sa diumano’y falsified certificate of public convenience (CPC).

Kabilang sa mga respondent ang RDC Reield Marine Services, ang kumpanyang nagmamay-ari ng lumubog na barko.

Matatandaang kumalat ang oil spill bukod sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro, Palawan, Antique maging sa ilang bahagi ng Verde passage.

Naapektuhan nito ang malaking marine ecosystems kasama ang mangroves at coral reefs at kabuhayan ng libong bilang ng mga mangingisda.

Nauna nang sinabi ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na gawa sa scrap ang MT Princess Empress at hindi ito para sa pag transport ng langis.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *