NBI: Sinakyan ng napatay na Calbayog mayor, nagtamo ng 293 entry bullet holes

Ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na batay sa kanilang imbestigasyon, umabot sa 293 ang entry bullet holes na tinamo ng sasakyan ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at ng kanyang mga aides nang mapatay ang mga ito.

Sa inilabas na report ng NBI, lumalabas na ang kaparehong sasakyan na Toyota Hi-Ace Grandia na may conduction sticker number na P70970 na sinakyan ni Aquino nang mangyari ang insidente noong March 8 ay mayroon ring 288 exit holes.

Ang beige na Toyota Innova na may plate number ZBM-392 na ginamit ng mga pulis para sundan si Aquino at kalaunay nakalaban ng security ng alkalde ay nagtamo rin ng gunshots, na may kabuoang 97 bullet entry points at 88 exit points.

Samantala, ang puting Toyota Hilux na ginamit ng mga operatiba ay mayroong limang bullet entry holes, habang ang isa pang sasakyan na pulang Toyota Innova na isang pribadong pagmamay-ari at nadamay lang sa palitan ng putok ay nagtamo ng 11 gunshots. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *