NBOC Canvassing, lalarga na

Pormal nang sinimulan ang pagcanvass ng mga boto para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo matapos ang opisyal na pagconvene ng dalawang sangay ng Kongreso bilang National Board of Canvassers (NBOC) sa pangunguna nina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco.

Nagtipon sa plenary hall ng Batasan Pambansa ang mga contingent ng Senado at Kamara, na bumubuo sa NBOC, para sa canvassing ng mga boto na magbibigay-daan sa proklamasyon ng susunod na pangulo at bise presidente ng bansa.

Ang Senate contingent ay binubuo nina Majority Leader Juan Miguel Zubiri; Senate President Pro Tempore Ralph Recto; Senate Minority Leader Franklin Drilon; Senator Nancy Binay; Senator Imee Marcos; Senator Grace Poe; at Senator Pia Cayetano.

Samantala, ang House contingent ay binubuo nina Majority Leader Martin Romualdez, Cavite Rep. Crispin Remulla, Cavite Rep. Abraham Tolentino; Pampanga Rep. Juan Bondoc; Si Marikina Rep. Stella Quimbo; Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan; at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin.

Tiniyak naman nina Sotto at Velasco na ang mabilis, transparent at may may intrigridad na pagbibilang ng boto sa dalawang pinakataas na posisyon ng gobyerno.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *