NCPO, papa-imbistigahan kung may naging kapabayaan sa mga tauhan nang malusutan ng mineral water na may cleaning solusyon para kay Purisima, maging ang naging pagtakas nito sa ospital

NAGA CITY – Papa-imbistigahan at aalamin ng Naga City Police Office, kung may naging kapabayaan ang mga tauhan sa pagbabantay kay Lorenzo Purisima, 23 taong gulang, suspek sa pagpatay kay Rosselle Bandojo, nang malusutan ng mineral water na may cleaning solusyon maging ang naging pagtakas nito sa ospital.

Ito ang napag-alaman kay PCOL Nelson Pacalso, Naga City Director.

Aniya, sa pag-abot umano ng tubig ng kasintahan ni Purisima na bumisita kasama ang nanay, habang nakakulong sa Police Station 3, hindi umano napansin ng mga tauhan na may cleaning solusyon ang tubig nalaman na lamang ito nang biglang sumakit ang tiyan at nagsusuka si Purisima na kaagad namang idinala sa ospital.

Sa ospital naman habang maganda-ganda na ang pakiramdam nito, nagpa-alam umano itong magbabanyo nang ilang minuto na ang nakalipas hindi na lumalabas at tuluyan na ngang tumakas si Purisima dumaan sa bintana ng palikuran sa ospital.

Kung saan patuloy na titingnan ang bawat angulo ng insidente upang hindi na maulit pa. Kaagad din namang nahuli ang suspek nang sabihin ng pamilya na nasa Barangay na ito.

Matatandaang ibinasura ang kaso laban kay Purisima, dahil sa kakulangan ng ibidensya at muling nahuli dahil sa iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *