NCR COVID-19 death rate, patuloy na bumababa

Inihayag ng Department of Health na naobserbahan nito sa nakalipas na tatlong buwan na patuloy na bumababa ang bilang ng mga tao na nasasawi mula sa COVID-19 sa National Capital Region.

Sa isang forum, ay sinabi ni DOH-Epidemiology Bureau director Althea de Guzman na mula sa average na 121 deaths per day noong Abril, ay nakikita ng ahensya na nasa 56 deaths per day na lang ito ngayong buwan.

Ayon kay de Guzman, bagama’t maituturing itong improvement ay nais pa nila itong pababain lalo.

Ipinunto ng opisyal na noong Disyembre ay nasa 29 deaths per day lamang ang kanilang naitala.

Dagdag ni de Guzman, na-monitor rin nila ang pagbaba ng bilang ng mga nasasawi sa Central Luzon, ngunit hindi ito kasing bilis ng NCR.

Anya, na-request na nila sa mga rehiyon na pag-aralan pa lalo ang death data upang matukoy nila ang mga bagay na pwedeng magpababa lalo sa bilang ng mga nasasawi.

Base sa datos ng DOH nitong June 23 ay umabot na ang death toll ng bansa mula sa COVID-19 sa 23,928, na nagrerepresenta sa 1.74-percent ng 1,372,232 cases na naitala sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *