NCR LGUs, suportado ang firecracker ban ng DILG

Suportado ng mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila ang isinusulong na firecracker ban ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ay upang mabawasan pa ang bilang o kaso ng mga naaksidente sa paputok na naitatala ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes, mayroon ng resolusyon ang Metro Manila Council na naglalayong pagbawalan ang pagpapaputok sa mga kalsada.

Sa tulong umano nito ay matitiyak na magiging disiplinado sa paparating na Pasko at Bagong Taon ang publiko.

Dagdag pa niya, maiiwasan din ang pagkakaroon ng mga dumi o kalat sa kalsada.

Samantala, nilinaw naman ni Artes na magkakaroon ng mga designated areas sa bawat komunidad kung saan sila pupwedeng magpaputok lang.

Maliban pa roon, pinaalalahanan din niya ang mga ito na bawal na rin ang pagpapaputok ng anumang firecrackers kahit pa sa mismong harap ng kanya-kanyang bahay.

Maalala, sinimulan na kahpon ng DOH at iba pang ahensya ng pamahalaan ang kanilang Oplan Iwas Paputok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *