NCR, ‘low risk’ ulit para sa COVID-19

Inihayag ng independent monitoring group OCTA Research na ibinalik sa low risk classification ang National Capital Region (NCR) para sa COVID-19, matapos bahagyang tumaaas ang reproduction number sa 0.71.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, tumaas ang reproduction number sa NCR mula sa 0.62 sa 0.71, na naging dahilan para isailalim ang rehiyon sa low risk mula sa very low risk classification.

Dagdag nito, na ang lahat ng iba pang mga indikasyon ay nananatili pa namang nasa very low.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na infected ng isang kaso, kung saan ang reproduction number naman na mas mababa sa isa ay nagsasaad na ang transmission ng virus ay bumabagal.

Sa gitna nito, sinabi ni David na ang average daily attack rate (ADAR) sa rehiyon ay nananatiling very low sa 0.54 para sa period ng April 21 hanggang 27, habang ang positivity rate sa NCR ay nasa 1.4%, at ang healthcare utilization rate ay nasa 22%, at ang ICU level ay 19%. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *