NCR Plus, di pa handang maisailalim MGCQ – OCTA Research

Di pa handa ang Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya na Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na mag-shift sa modified general community quarantine,  pinakamaluwag na lockdown classification. 

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Professor Ranjit Rye dahil ang bagong COVID-19 cases sa NCR Plus region ay nananatiling mataas o nasa libong infections kada araw. 

Sa isang panayam, sinabi ni Rye na titingnan muna ng OCTA Research ang datos sa weekend at saka sila magbibigay ng posisyon. 

Pero kung kailangang ibigay ang desisyon ngayong araw, ang posisyon ng grupo ay di pa kwalipikado ang NCR Plus para sa mas maluwag na quarantine status. 

Aniya, nagrere-recover naman na ang rehiyon mula sa naging pagsipa ng cases noong nakalipas na dalawang buwan, pero mabagal ito dahil sa pagbubukas ng ekonomiya kung saan marami nang lumabas ng bahay at pumasok sa trabaho. 

Mababatid na nakasailalim sa GCQ ang NCR Plus hanggang June 15. 

Sa ngayon, umabot na sa  1,293,687 COVID-19 cases sa bansa, 1,214,454 ang mga naka-rekober na sa sakit, at 22,312 ang nasawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *