NCR Plus, di pa masasabing ‘safe zone’ dahil sa plateau state sa COVID-19 cases

Iginiit ni Health Undersecretary at spokesperson Rosario Vergeire na hindi pa maikokonsidera ang Metro Manila at ibang probinsya sa NCR Plus bubble bilang “safe zone” dahil sa mabagal na pagbaba sa mga kaso ng COVID-19 sa mga nakaraang araw.

Ayon kay Vergeire, ang healthcare utilization rate sa NCR Plus, na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, ay patuloy na bumababa sa ilalim ng moderate risk level.

Dahil dito, hindi pa ligtas para luwagan o maging kumpiyansa sa pagtalima sa health protocols.

Dagdag ni Vergeire, matapos ang ilang linggong mabilis na pagbaba ng infections, nasa plateau state ngayon ang mga kaso sa NCR Plus.

Kaugnay nito, tinukoy ng opisyal ang pagtaas sa mobility ng mga tao kasunod ng gradual reopening ng mga industriya, maging ang surge sa mga kaso sa ilang probinsya sa labas ng bubble, na maaring nagdulot sa mabagal na pagbaba ng infections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *