NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang alas-kuwatro ng umaga para tiyaking mapayapa ang pagsasagawa ng transport strike ng grupong PISTON at MANIBELA ngayong araw.

Ayon kay  Police Lt. Col. Eunice Salas, spokesperson ng NCRPO, handa silang magbigay ng libreng sakay sa mga apektadong pasahero.

Aniya, nasa 160 na mga patrol car ang naka-standby sa iba’t ibang distrito ng Metro Manila.

Mahigpit nilang babantayan ang lungsod ng Manila at Quezon dahil kamakailang tigil-pasada ay nagdulot ito ng pagkaantala sa daloy ng trapiko nang ‘ibalagbag’ ng mga jeepney driver ang kanilang mga jeep.

Dahil dito, patuloy na nananawagan ang NCRPO na gawing mapayapa at mahinahon ang kanilang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *