NDH, nakatanggap ng donasyong medical equipment

KORONADAL CITY – Nakatanggap ang Norala District Hospital (NDH) ng mga donasyong medical equipment and supplies. Ang mga ito ay donasyon mula sa Filipino Achievers of Canada, isang organisasyon na nagbibigay ng charitable services sa mga nangangailangang mga Pinoy.

Kamakailan lang, itinurn-over ng mga ito ang P 2 million na halaga ng medical equipment and supplies para sa mga mahihirap at may sakit na mga residente ng Norala, South Cotabato. Labis naman ang pasasalamat ng NDH sa naturang mga donasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *