NDRRMC: 6 na patay, 3 missing re: Tropical Storm Dante

Umakyat sa anim ang ang kabuoang bilang ng mga nasawi dahil sa Tropical Storm Dante, habang tatlong iba pa ang nananatiling missing.

Sa bagong ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang mga nasawi at nawawala ay mula sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Davao, at Soccsksargen regions.

Samantala, 4,439 katao o 16,680 na pamilya ang kabuoang apektado ng Dante sa 177 barangays sa nabanggit na mga lugar.

Mula sa naturang bilang, 12,071 katao o 3,090 pamilya ang nananatili pa ngayon sa mga 104 evacuation centers.

May 12 bahay naman na nasira sa Western Visayas, Eastern Visayas at Davao regions na kinabibilangan ng siyam na partially damaged at tatlong totally damaged.

Dahil rin sa naturang bagyo, mahigit P14.6 million ang danyos sa agrikultura na naitala sa Soccsksargen at Caraga regions, kung saan apektado ang 723 magsasaka at 220 metric tons ng produksyon. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *