National

NDRRMC: 600 tao, inilikas re:: Monsoon rains na pinaigting ni Fabian

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nasa 641 indibidwal o 185 pamilya ang inilikas dahil sa patuloy na monsoon rains na pinaigting ng Bagyong Fabian.

Ayon sa NDRRMC, 695 tao o 195 pamilya ang apektado sa MIMAROPA, Region 6, at sa Cordillera Administrative Region.

Mula sa naturang bilang, 472 indibidwal o 132 pamilya ang nananatili sa loob ng evacuation centers, habang 190 tao o 58 pamilya ang nananatili sa labas ng naturang mga pasilidad.

Samantala, sinabi ng NDRRMC, na walong crew members ng MB Roxanne-L ang narescue at nasa maayos na kondisyon na.

Ang naturang mga crew ay papuntang Semirara Island nang makaranas ng malakas na hangin at ulan na nagresulta sa pagkakasira sa kanilang vessel hanggang sa lumubog. // MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

19-anyos nga misuway og layat sa Marcelo Fernan Bridge, na rescue

Nasalbar ang 19-anyos nga lalaki nga padung untang molayat kaganihang buntag sa Marcelo Fernan Bridge…

3 mins ago

Lalaki nga bag-ong laya sa bilanggoan, gipusil-patay

Patay diha dayon ang usa ka lalaki  nga kapin lang sa semana nga nakagawas sa…

36 mins ago

Security plan sa Kaadlawan sang Roxas, plastado na

Plastado na ang igapatuman nga security plan kag traffic scheme nga ginhikutar sang Roxas City…

58 mins ago

Relokasyon, sigaw ng mga residente na apektado ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum

Humihiling ang mga residente ng Capitol Compound na naapektohan ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum na…

1 hour ago

Lolo sang napatay nga menor, indi mabaton ang natabo sa iya apo

Indi sa gihapon mabaton sang pamilya ni "Dodong" ilabi na ang iya nga lolo nga…

1 hour ago

BNS, winelcome ang pag-aprub ng SP sa kanilang monthly cash incentives

 ‘Long overdue’ na! subalit ikinalugod ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ang pag-apruba ng Sangguniang…

1 hour ago