NDRRMC: 600 tao, inilikas re:: Monsoon rains na pinaigting ni Fabian

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nasa 641 indibidwal o 185 pamilya ang inilikas dahil sa patuloy na monsoon rains na pinaigting ng Bagyong Fabian.

Ayon sa NDRRMC, 695 tao o 195 pamilya ang apektado sa MIMAROPA, Region 6, at sa Cordillera Administrative Region.

Mula sa naturang bilang, 472 indibidwal o 132 pamilya ang nananatili sa loob ng evacuation centers, habang 190 tao o 58 pamilya ang nananatili sa labas ng naturang mga pasilidad.

Samantala, sinabi ng NDRRMC, na walong crew members ng MB Roxanne-L ang narescue at nasa maayos na kondisyon na.

Ang naturang mga crew ay papuntang Semirara Island nang makaranas ng malakas na hangin at ulan na nagresulta sa pagkakasira sa kanilang vessel hanggang sa lumubog. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *