NDRRMC, naka blue alert na bilang paghahanda sa bagyong Mawar

Naka blue alert na ang National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRC bilang paghahanda sa papasok na bagyong Mawar.

Naka stand by at naka monitor na ang mga disaster officials sa papalapit na bagyo at posibleng epekto nito.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Asec. Raffy Alejandro IV, naka pokus ang preparasyon sa scenario na pinaka maaapektuhan ang Northern Luzon pero inabisuhan na rin ang mga lokal na pamahalaan sa Bicol region.

Inaasahan na rin ang pagkakasa ng preemptive evacuations sa coastal towns ng Batanes at bahagi ng Cagayan.

Magpupulong naman ngayong araw ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sinabi ni MDRRMC Chairman at  Acting MMDA Chairman Romando Artes, ilalatag nila ang mga koordinasyon na dapat isapinal kapag dumating na ang bagyo.

Mag iimbentaryo din sila ng kanilang rescue equipment bilang paghahanda kung sakaling kailanganing i-deploy.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *