NEDA Chief hinimok ang DepEd na ituloy ang pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto

Hinimok ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang Department of Education (DepEd) na ibalik na in-person classes pagbabalik ng pasukan sa Agosto.

Paliwanag ni Balisacan malinaw naman umano na kaya na ng ating mga pagamutan na tugunan ang banta ng COVID-19.

Dahil dito naniniwala ang bagong NEDA chief na wala nang dahilan para hindi lubusang buksan ang mga paaralan.

Iginiit ng kalihim na bagama’t posibleng hindi makakaapekto sa ngayon ang problema sa human capital pero maaaring itong makakaapekto sa kinabukasan ng ating mga anak.

Nanindigan si Balisacan na nagdulot ng hindi patas na opurtunidad ang pandemic sa education sector kaya’t marapat lamang na resolbahin ito sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *