Business

NEDA, imo-modify sa taripa ng mga e-vehicles para mahikayat ang publiko na gumamit nito

Inendorso ng National Economic Development Authority ang isang executive order (EO) na layong i-modify sa ipinapataw na taripa para sa mga electric vehicles o EVs.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni socioeconomic planning Secretary Arsenio Balisacan na layon ng naturang EO na bawasan ang taripa sa loob ng limang taon para sa mga EVs kabilang na ang mga passenger cars, mga bus, vans, trucks, motorsiklo, scooters, at mga bisikleta; pati na rin ang mga parts nito.

Ani Balisacan, layon nitong mahikayat ang publiko na gumamit na ng mga e-vehicles imbis na mga tradisyunal na mga sasakyang gumagamit ng diesel o gasolina.

Sa ganitong paraan, maa-address na ang mga isyu ng polusyon para sa mas malinis na kinabukasan.

Makatutulong din ito para mapabilang ang Pilipinas sa global chain ng mga EVs, at makabahagi sa posibleng pag-develop ng industriyang ito sa ating bansa.

Sa huli, tiniyak ng Kalihim na ang ginawang pag-modify sa tariff rates ay hindi makaaapekto sa tanunang revenue ng Gobyerno.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Claudine Barretto at Yasser Marta, nagkaka-develop-an na!

Diretsahang inamin ng baguhang aktor na si Yasser Marta (27 yrs old) na mayroon siyang…

3 hours ago

Pinoy boxer na si Suganob, napanatili ang WBO Global title

Matagumpay na naidepensa ni Regie “Filipino Phenom” Suganob ang kanyang World Boxing Organization (WBO) Global…

3 hours ago

Isang village sa Thailand, gumawa ng ritwal upang sugpuin ang tagtuyot sa bansa

Habang ang milyun-milyon taon sa buong Southeast Asia ay dumaranas ng matinding init na pananhon,…

3 hours ago

Aircon ng Municipal Health Office sa Pangasinan, ninakaw dahil sa tindi ng init

Ninakaw ang isang aircon sa municipal health office sa Pangasinan dahil sa tindi ng init.…

3 hours ago

Cedric Lee – magpapahinga at magre-recharge muna sa paglipat sa Bibilid

Nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa ang negosyanteng si Cedric Lee…

3 hours ago

Gulong, kumalas sa trak; 2 sugatan

Sugatan ang isang fish dealer at pahinante nito habang nakaligtas ang driver ng trak nang…

12 hours ago